Si Consuelo Ortiga y Rey na siguro ang babaeng nakabit sa pangalan ni Rizal na nalimutan na ng panahon. Walang masyadong impormasyon ang makakalap tungkol sa kanyang pagkatao; walang litrato at walang mga dokumento. Tanging mga testimonyal lamang ng mga tao noong unang panahon ang magpapatunay na nag-ibigan silang dalawa ni Rizal.

Si Consuelo Ortiga y Rey ay ang pinakamagandang anak na baba ni Don Pablo Ortiga. Marahil ang kanyang kagandahan ang isang dahilan kung bakit nabighani sa kanya ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Iniialay ni Rizal kay Consuelo ang tula na A la Senorita C. O. Y R. na isa sa pinakamagandang tula na kanyang nilikha. Ang bahay ng mga Ortiga, na matatagpuan sa Madrid ay madalas dalawin ni Rizal at ng kanyang mga kababayan. Umibig si Rizal kay Consuelo at madalas humingi si Consuelo sa kanya ng mga romantikong berso. Ngunit kung kailan mabuti ng ang lahat, biglang tumigil si Rizal sa kanyang panliligaw kay Consuelo dahil ayaw niyang masira ang kanyang katapatan kay Leonor Rivera na iniwan niya sa Pilipinas. Isa pang dahilan ay ayaw ni Rizal na msira ang kanyang pakikipagkibigan kay Eduardo de Lete na baliw na baliw kay Consuelo. Katulad din ng pagtatapos ni Rizal sa mga naunang babae, hindi sil nagkatuluyan ni Consuelo.





Magbalik sa Rizal Romantiko